Kasabay ng Pagpatak ng Ulan

29 March 2007

Watyulukinat?

Pag tama ng ating mga mata
Pungay ng tamis na alaala
Kislap ng pangakong dala
Pagkurap ko'y biglang nawala
Guniguni ng malikmata
Tunay nga ba?
O pinagtatakpan lang ang luha?
Ibaling na lang ang tingin sa iba
Wala akong panahong malunod sa iyong kaluluwa

Kopa

Isalin mo na ang katas ng ubas
na siyang pinayaman
ng mga panahong binawi ng tadhana.

Alak na pagsasaluhan
sa gabi ng ating pamamayapa
sa piling ng isa't isa!

Wrong Number

Hello?!

Partyline!

Pwede makipag pumpal?

The Gifted Child

The sun is the center of the solar system. Moving around it are the planets.

Sayo umiikot ang mundo ko.
Dyan ka lang,
wag kang lumayo.
Kundi,
mawawala ang focus ko!

Crayola

The sky is blue because of the molecules of nitrogen and oxygen, that make up air. The light from the sun is white, meaning it has all the colors like red, blue, yellow, etc. White is considered to be neutral, right? Which is why it has all the colors. But only the blue colors bounce off of molecules of air, therefore, scattering the color blue all over the sky.

Ang langit bughaw kadalasan. Ngunit minsan, kulay abo it dala ng polusyon o di kaya'y bigat ng tubig na dala ng mga ulap na anumang oras ay babagsak.

Sa dapithapo'y naglalaro ang liwanag sa kalawakan. Kahel, nagiging kahel and langit bago mamaalam ang haring araw at papangibabaw ang kutitap ng mga bituin at minsan dadalo rin ang buwan.

Sumapit na ang dilim. San ka na kaya?

28 March 2007

Twinkle Twinkle Little Star

Sa langit na punong puno ng tala.
Habang nakatingala hindi makapili ng isa.

Sa milyong bituing nakikita mo,
ano nga naman sayo kung mawala ako?

Sa pagsakay ko sa bus patungong Binondo

Samu't sari ang kulay. Nangingibabaw ang pula. Pulang may bahid ng kaunting ginto. Kay saya ng tanawin. May mga bibiluging papel na parol na nakasabit palipat sa mga kalye.


Teka lang, bababa na ko. Dyan na lang 'ma sa tabi.


Sinalubong ako ng isang lalaki at inalok ng "deebeedee." Magalang kong tinanggihan ito. Hindi yun ang pakay ko.


Pagpasok ko sa tindahan. Inilapag sa harap ko ang apat na klaseng papel. Elegante at bahagyang kurbado ang pagkakasulat ng mga katagang "You are cordially invited." Pipili na lang ako.


Iniimbitahan kita. Halina't mamalagi ka sa puso ko.

19 March 2007

Di nga ba?

Hanggang kailan ang walang hangan?
Hangga't may natitirang munting kutitap ng liwanag sa sulok ng karimlan ng iyong puso.
Hangga't may bulong ang hanging kay lamyos ng dampi sa aking pisngi.

Sa bawat yakap ng anino,
binabalikdan ang gunita.
Bawat umagang dala ay pangako ng pag asa.
Kay tamis ng iyong labi.
Walang bahid ng pait ng kahapong bumawi
sa carino ng iyong kanlungan.

Sa dulo ng magpakailanpaman.
Doon tatayo at maghihintay sa pagbabalik.
Nananabik muling magalak sa tinig ng ngiti sa iyong mga mata.

Yun na nga kaya?