Kasabay ng Pagpatak ng Ulan

24 July 2007

Potty Mouth

Tang ina mo
sige, iwanan mo na ko
hindi ko kailangan
ang pagsuyo mo

Langya ka
di ka ba naaawa?
eto na nga
kita mong ako'y lumuluha

Gago! ano pa ba gusto mo?
lahat na nga binigay ko sayo
buong buhay, buong puso
walang pakungdangan mong pinirapiraso

Utang na loob patahimikin mo na ko
tuluyan mo na akong iwanang bigo
Magisang babangon, tatayo
hindi na muling aasa sa walang kabuluhang pangako

Putang ina ka!
Walang hiya ka!
Gago ka!

Sino ang tanga?

Ako!
Sino pa?

23 July 2007

You Turned Me Into a Lovesick Puppy

Kahit anong bilis ng takbo ko
Kahit anong taas ng talon ko
Kahit anong galing sa pagtatago
Naisahan rin ako ng kapwa ko tuso

Ayoko na sanang lumingon
nang marinig ko ang tawag mo
sa ikatlong pagkakataon
binalikdan ko na ng tanaw
ang pinaggalingan ng sigaw

Ikaw na nga yata
Ikaw na nga kaya

Ayokong malunod muli
sa pagbabakasakali

hindi ako makahinga!

layuan mo na kasi ako!
ayokong malulong sayo!

20 July 2007

You are Still on My Mind

Patawarin mo ako hindi ko pa ito maibibigay sayo.

Ikaw ang laman ng isipan ko
Ngunit puso ko'y pag aari pa rin ng anino
Nakaraang hindi nais balikdan
Ngunit kahit limot na, maya't maya nakakagisingan

Hindi ko nais bumuhay ng patay
Patawarin mo ko sa pagistorbo sa kanyang pagkakahimlay
Hindi ko nais muling harapin
Kahapong pinuno ng pangitain

Ngayon narito siyang muli
Nagbalik at nagpupursigi
Sumusubok muling manghimasok
Sa pusong minsa'y iniwan sa gitna ng pagsubok

Huli na ang lahat
Bumangon na ang patay
Ngayo'y ayaw na akong iwanan
ng multong galing sa nakaraan

19 July 2007

You are Always on My Mind

Kinuha ko ang kanyang palad at inilapat sa may pulso sa gilid ng aking noo.

"Sa'yo ito."

At dahan dahang binaba ito sa aking dibdib

"Ngunit patawarin mo ako. Hindi ko pa ito maibibigay sa'yo."

10 July 2007

Tatlong Minutong Walang Hanggan

mula sa dilim marahang papalapit
natanaw ko ang iyong anino

"san ka?"

"nandito sa sulok"

"hindi kita makita"

"nandito ako"

unti unting natamaan ng liwanang ng buwan
ang iyong mukhang may bakas na kagalakan

"nakita na kita"

"sabi sa'yo, nandito ako"

mahigpit na hinagkan
parang ayaw nang pakawalan

"hindi ako magtatagal"

"salamat sa pagsilip"

Isang Gabi ng Pagniniig

Sampung taon na ang nakalipas.
Wari'y kahapon lamang
ngunit kay tagal na.
Nang una nating makamtan
ligayang panandalian.

Hindi na muling masisilayan
ang liwanag ng mukha.
O kaya'y muling madarama
ang init ng haplos.

Limot na ang pagtahimik
sa tamis ng mga halik.
Ang pagkalma't pagpayapa
ng pusong nanabik.

Marahil ay mas nararapat na nga lang
na manatili sa anino ng nakaraan
lingid sa kaalaman ng bukas.
Isang gabi tayo'y pinagtagpo tadhana.
Pinag isa ng panahon.
Pinaghiwlay ng katotohanan

Isang gabi tayo'y nagsalo
sa kanlungan ng pagmamahal
sa gitna ng karimlan.