Kasabay ng Pagpatak ng Ulan

23 April 2007

YB

pinatuyong dahon ng pinirapirasong alaala
binalot sa puting papel ng pag asa
sindihan ang dulo upang simulan ang pagtahak
hithitin ang kaluluwa ng ligaya
munting tingkad ng apoy ng pagnanasa
bahagyang paninikip ng dibdib ang dala
hinga ng malalim at dahan dahang ibuga ang usok
ng mapait na katotohanan
itaktak ang abo ng kahapong nagdaan
tapos ka na ba?
ano?
isa pa?

17 April 2007

As you leave me behind.

Nakalatag sa tapat ng pinto.
"Welcome" ika nito.
Isang paanyaya.
Daanan mo muna.
Tapak tapakan.
Ikiskis ang burak mula sa 'yong talampakan.
Iwanan mo ang iyong dumi.
Bago tuluyang pumasok
sa bukana ng iyong pangarap.