Kasabay ng Pagpatak ng Ulan

29 August 2007

Ang Plastic! Bow!

Non biodegradeable
Harmful yan sa environment

Ang mga imburnal at canal
Mabaho
Naipon ang tubig
Pinamugaran ng lamok
Pinagmumulan ng sakit

Bakit?
Dahil sa plastic na bumara

Barado
Pigil ang pagdaloy
O baka nga wala nang dumadaloy
Nabulok na ang basura

Hugasan mo ang dumi
Linisin ang sistema
Ayokong ngang mangati
Sa microbyo n'yong mga tanga!!!

23 August 2007

All Sales Final

kung ano binigay ko
iyo na yan
hindi ko na babawiin

pero pwede bang
pakibalik na lang
yung ninakaw mo?

Ocho Ochong Pangako

may maghintay man sa dulo
o hindi ka na makatungo
tuloy pa rin tayo

bote lang katapat niyan
bote ng pag asa
bote ng ligaya
bote ng pagsasama

ako naman ang lasingin mo
ako naman ang hahanap sayo
ako naman ang kakatok sa salaming pinto

wag ka nang mawala sa paningin ko
kailangan ko balikat mo
abangan mo na lang mga luha kong tutulo...

Q & A

nang sabihin ko sa'yo
na ayos lang ako
naniwala ka naman

tignan mo ang aking mata
mapula
nangingilid ang luha

may ngiti ang labi
sa likod naman nito
baligtad ang tawa

magtanong ka ulit
sasagot ako

"ok ka lang?"

"ok lang ako"

22 August 2007

pluma, tinta, atbp.

nakasulat sa papel
itaga sa bato
inilista sa tubig

pirmahan mo dito
pangako ng bukas
pait ng kahapon

lahat inilathala na sa puso

21 August 2007

Override

mga pikitmatang alaala
pag mulat, iba ang kasama

malamyos na haplos ng paggunita
ng halik ng mga nasirang pag asa

nagbabalatkayo
nagpalit ng anyo

tama bang hangarin kang muli?

09 August 2007

Opaque

Sige,
magsalita ka lang dyan.
Tatango lang ako.
Ngingiti sa mga kwento.
Hahawakan ang kamay mo.
Kahit ibang kamay ang nais mong dumampi dito.

Tapos ka na ba?
Ako naman?
Ubos na ang sasabihin ko.
Kahit anong salita pa ang sambitin,
interesante lamang para sayo kapag ukol ito sa irog mo.

Nariyan ka nga sa harapan ko,
lumipad nanaman palayo ang isip mo.
Nandito ako.
Nakikita mo ba ko?

Bakit nga ba ako ang kasama mo?

Nananahimik ako dito
sa payapa ng sariling mundo.
Hindi ko ninais ito'y magulo.
Kaya utang na loob,
layuan mo na ko!!!

06 August 2007

Click OK to delete files permanently

Nang magpaalam ako, hindi ko sinadyang saktan ang damdamin mo.
Ngunit kailangan bang burahin mo ako ng tuluyan sa buhay mo?