Kasabay ng Pagpatak ng Ulan

07 November 2007

Writs

mabuti nang ang pluma ang dumugo ng tinta
kaysa sa paeteng hihiwa sa puso kong nasira ang sinta

Traces

sa araw ng paglisan mo
marahan kang lumabas sa pinto
ayoko na magising ako
ayoko na ang maalala ko
ayoko na ang huling imahe mo
ay ang iyong likod na papalayo

Curtain Call

sa mata ng publiko
may ikaw at ako

pagbaba ng entablado
magkanya kanya na tayo