Kasabay ng Pagpatak ng Ulan

10 October 2007

The Words Get in the Way

Bakit ba ang pinakamagagandang kataga magmumula sa pinakamapait na yugto ng buhay?
Bakit ang pinakasimpleng tanong namumulaklak bigla pag nalalagyan ng kahit isang guhit ng damdamin?
Bakit nga ba tila musika ang naririnig kahit ingay ang sinasambit basta't may konting kalinga sa nagbanggit?

Nagdurugo na ang puso nakukuha pang sabihin na "ang lahat ng ito'y para sayo." Kung sa ordinaryong pagkakataon lang, wala namang masyadong impact and mga salitang yan. Ngunit dagdagan mo ng sakit at pagdadalamhati, kulang na lang humagulgol ka sa iyak, tiyak, may kirot sa puso ng makakarinig.

Eh ano naman ngayon kung "nagkakaintindihan na kami?" Kung ba naiintindihan ka ng ibang tao, makabuluhan ba ang pagkakaintindihan niyo? Pero kung dramang you and me against the world yan, talaga namang sometimes it feels like you and me against the world!

"Kumain ka na ba?" Kung ang nanay mo ang magtanong niyan, ang sagot mo lang "busog pa ko" o di kaya "mamaya na" pwede ring "anong ulam?" Pag si crushie ang nagtanong, pasweet effect ka pa na "hindi pa, gutom na nga ako eh" kahit na bondat ka na sa maghapong pagkain! Para sa'yo, concerned siya. Uuuy! Hoy! Gising! Hindi dahil tinanong ko kung kumain ka na, head over heels in love na siya sa'yo! Pero dahil sa ilusyon mo, ang "kumain ka na ba?" katumbas na rin ng "I love you three times a day!"

"Sweet dreams!" Oo, garantisado ang mahimbing na pagtulog kung masabihan ka nito. Eto yata ang katagang kontra bangungot eh. Kung bangungutin ka naman, isisisi mo pa sa kanya kinabukasan na hindi effective ang "sweet dreams" niya habang ikinukwento mo and bawat detalye ng bangungot mo. O diba? Eh di may napag usapan pa kayo!

Hindi mauubusan ng salita ang taong may pagdama. Ngunit kapag katahimikan na ang sumagupa, marahil ang puso'y tuluyan nang payapa, at kuntento na. Hindi na kailangan ng salita sa tunay na pag unawa.