Kasabay ng Pagpatak ng Ulan

14 December 2007

Dawning

hilom na ang sugat
ni wala ngang peklat
limot na ang sakit
ni wala ngang pait

nakalipas na
natapos na

ngunit bakit bigla akong nakaramdam ng konting pitik
sa puso kong matagal nang nanahimik?

Kay Lamig ng Umaga

ang sarap mamaluktot sa ilalim ng kumot
dama ang init ng yakap mo
ang sarap matulog sa payapa ng sandali
dama ang haplos ng iyong mga daliri

lecheng alarm yan!
bakit mo ako ginising?
ayoko na sanang matauhan
na wala ka naman sa aking piling!