Kasabay ng Pagpatak ng Ulan

25 June 2007

Sa loob ng ating kasunduan

Nakita kita kahapon
nakatayo sa kabilang dulo ng silid.

Labinlimang hakbang ang layo.
Nagtama ang ating mga mata.
Isang tango mula sayo.
Bahagyang ngiti ang ganti ng aking labi.

Nangibabaw ang katinuan sa puso.
Kaya't ang paa'y nakapako sa paglakatayo.
Marahang pagbuka ng bibig
at mahinang sinambit
ang mga katagang laan lamang sa isa't isa.

Nakita kita kahapon
nakatayo sa kabilang dulo ng silid.
Sandaling natigil ang mundo ko.
Lahat ay naglaho.
At sa isang iglap muling nagpatuloy
ang pagpatak ng bawat segundo.