Kasabay ng Pagpatak ng Ulan

22 June 2006

Magtapangtapangan ka na lang muna!

Ako lang ba ang nakadama nun?
Siguro nga.

Bakit hindi mo ko matignan ng diretso?
Ba't hindi mo makita ang kislap ng aking mga mata?
Ba't ayaw mong tanggapin na andito ako?

Ikaw ang gumawa ng multo.
Ikaw ang unang natakot.

Ikaw ang nakipagunahan.
Ikaw ang napagiwanan.

Bakit hindi mo ko matignan ng diretso?

Sige tumakbo ka.

Wag ka nang magtaka kung lumingon ka at hindi mo ako makita.

Hanapin mo na lang ako pag handa mo na akong harapin.

Pag handa ka nang muling tumingin sa 'king mga mata.

19 June 2006

Nothing Pating!

umupo

tumingala

maghintay sa wala

dyan naman ako magaling

maghintay sa wala

ang tigas rin ng ulo ko noh?

alam na ngang wala maghihintay pa 'ko

nagbabakasakali lang naman ako

pano kung umalis ako

tapos dumaan ka

eh di hindi mo 'ko nakita

sayang naman diba?

ako pala ang hinahanap mo

kung aalis ako sa kinauupuan ko

hindi mo ako makikita

kaya dito lang ako

sige lang

hindi naman ako aalis dito eh

15 June 2006

Huling Pasada

O ano pang tinatayo tayo mo dyan?
Halika na dito!
Kanina pa ko naghihintay.
Huli ka na nga kung dumating, magpapacute ka pa rin dyan?
Ako ba talaga pinunta mo dito o gusto mo lang magdisplay sa kalsada ng LA?

Haaay naku bat nga ba inisp kong nagbago ka na?

Malandi ka pa rin!

Sige maiwan ka dyan.

Wala akong panahon maghintay kung kailan ready ka nang umalis.

Magpacute ka na lang muna dyan.

Dyan ka naman magaling eh.

Kanlungan sa Gitna ng Karimlan

Marahang papalapit siya sa iyong kinatatayuan.
Kulang na lang sumabog ang dibdib mo sa bilis ng tibok ng iyong puso.
Pitong taon.
Pitong taon na nung huli mo siyang makita.
Anong sasabihin mo?
Sino nga ba ang unang dapat magsalita?
Ano kaya ang sasabihin niya?
Kung makangiti pa naman siya parang nabura lahat ng pait ng inyong kahapon.
Ang liwanag ng mukha niya sapat na.
Hindi ka na muling mawawala sa dilim.
Saglit mong pinikit ang mata mo.
Pagmulat mo, nariyan na siya sa harapan mo.

"Huy, musta?"

Hinagkan ka niya.
Isa, dalawa....tatlo...

Parang ayaw mo nang bumitiw.

"Ok lang, ikaw?"

Ayan nanaman ang ngiti niya.

"Alis na tayo"