Kasabay ng Pagpatak ng Ulan

28 May 2006

Yun lang?

Tanaw niya ang bintana mula sa kanyang kinauupuan. Ang bintanang kanyang sinusubaybayan araw araw. Dito lang niya nakita ang langit, ang aliwalas ng damdaming dala ng ngiting kanyang nasulyapan. Mamula-mulang labi na hindi niya maalis ang kanyang tingin. Ang bahagyang pabukas-sara ng munting bibig tila nagiimbita, nangangantiyaw. Mga matang may kislap na ang titig ay nagdadala ng kakaibang init. Sinalubong niya ang titig. Sabay yuko. Tsaka na lang siya makikipagtitigan ng matagal tagal. Bukas na lang siguro. Sa ngayon, madami pa siyang dapat gawin. Pasulyap sulyap na lang muna siya. Magmamasid, tatanaw...Maghihintay.

18 May 2006

Ano kaya?

Kala mo ba ayos ka na?
Niloloko mo lang sarili mo.
Mahal mo pa rin yung isa.
Ni hindi nga niya alam na sa bawat oras na magkasama kayo
na may kaakbay siyang iba
unti unting nagigiba ang mundo mo.
Naninikip ang dibdib mo dahil
dahan dahang nawawalan ng dugo and puso mo.
Sa tuwing hahawakan niya ang kamay ng kanyang minamahal
sa loob loob mo'y gusto mo ang kamay mo ang kanyang hawak
na dama ng palad mo ang init ng kanyang haplos.
Kung alam lang niya na mahal mo siya
Kung alam lang niya siguro
Baka sakali
'de, wag na lang siguro
Masaya na siya
Masaya ka na rin para sa kanya.
Ganun talaga eh
Tatanga tanga ka kasi.
Eh tange rin siya, pano!

15 May 2006

Sabihin mo na lang

Sinabi ko na nga sayo
Tinignan mo lang ako
Hindi mo nga hiningi
Ako na ang nagkusa

Hawak mo na kamay ko
Hindi ka nga bumitiw
Ngunit ramdam ko
ang lamig ng haplos mo.