Kasabay ng Pagpatak ng Ulan

05 August 2006

Hello, Telephone?!?

'Wag mo na lang kaya akong tawagan.
Wala ako ng ganang maghintay ng tawag.
Parang ayokong tumitig sa teleponong hindi naman tutunog.
Papatayin ko na lang siguro ito.
Sakaling tumawag ka man, didiretso na lang sa voicemail.
Yun na lang muna ang kausapin mo.
Kausapin mo ang makinang sasagot sa kabilang linya.
Baka mas may saysay pa ang mapagusapan niyo.
Wala ako sa kundisyon makipagusap ngayon.
Baka kung ano lang ang masabi ko.
'Wag mo na nga lang akong tawagan.
'Wag ngayon, 'wag mamaya, 'wag bukas, 'wag ever!